dzme1530.ph

Singil sa kuryente ng MORE Power, anim na beses nang bumaba!

Good news sa mga taga Iloilo City!

Sa anim na magkakasunod na buwan ng taong 2023, anim na beses na ring bumababa ang singil sa kuryente ng More Electric Power Corporation (MORE Power).

Sa pahayag ng power firm, bumaba ng P1.00 ang residential rate ngayong May-June billing at ito ay dahil sa pagbaba ng generation cost sanhi ng pagdaragdag ng geothermal power sa power supply mix ng Energy Development Corporation.

Nakatulong din umano ang pagpasok ng renewable energy supplier sa Supply Mix para bumaba ang Value Added Tax (VAT) sa generation charge na nasa P0.613 per kilo watt hour.

Dahil sa bumaba ang charges, nahatak din nito pababa ang systems loss charge mula 7% ay naging 6.49% na lamang ito.

Una na rito, sinabi ni More Power President at CEO Roel Castro na kusa nilang isinauli sa mga qualified customers ang bill deposit na umaabot sa P5-M bilang pasunod sa utos ng Magna Carta for Residential Electric Consumers. —sa ulat ni Ed Sarto, DMZE News

About The Author