dzme1530.ph

Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ngayong Marso

Tataas ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company ngayong Marso.

Taliwas ito sa naunang anunsyo ng kumpanya na bababa ang singil sa kuryente ngayong buwan.

Sa abiso ng Meralco, magpapatupad ito ng mahigit P11.93 per kilowat-hour na umento sa overall electricity rate para sa isang typical household.

Mababatid na ang dagdag-singil ay bunsod ng nag-overlap na mataas na transmission charge at pagbawas ng generation charge.

About The Author