Inaasahan ng Meralco na bababa ang electricity rates ngayong Mayo dahil sa pagbagsak ng generation at transmission charges.
Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, batay sa preliminary data, bumaba ang generation charge dahil sa stable prices sa spot market at walang major plants na nag-shutdown.
Bumaba rin ang transmission charge bunsod rin ng matatag na presyo sa reserve market.
Gayunman, sinabi ni Zaldarriaga na hindi pa masabi ang overall rate dahil hindi pa alam kung magkano ang iba pang charges.
Sa nakalipas na buwan ng Abril ay tumaas ng ₱0.72 per kilowatt-hour ang singil ng Meralco bunsod ng tumaas na generation at transmission charges.