![]()
Inaasahang tataas pa ang singil sa kuryente ngayong tag-init matapos magdulot ang krisis sa Middle East ng pagsipa ng oil prices.
Sinabi ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Francis Saturnino Juan na ang pag-akyat ng shipping costs sa oil, coal at natural gas na ginagamit ng mga power plants sa bansa ang magpapataas sa electricity prices.
Sa computation ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines na na-o-operate ng Wholesale Electricity Spot Market, tataas ang singil sa kuryente mula ₱2 hanggang ₱4 per kilowatt-hour.
Ayon kay Juan, posibleng ipatupad ang electricity rate hike sa Abril.
Idinagdag ng ERC chief na maaaring magpatupad ng distribution facilities ng staggered power rate increases kung masyadong mataas ang price hike.
