dzme1530.ph

Singapore, tumitindig para sa freedom of navigation at mapayapang resolusyon ng mga sigalot sa karagatan sa harap ng SCS dispute

Tumitindig ang Singapore para sa pagtataguyod ng karapatan ng bawat estado sa freedom of navigation, at mapayapang resolusyon ng mga sigalot sa karagatan.

Sa joint press statement matapos ang bilateral meeting kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., inihayag ni Singaporean President Tharman Shanmugaratnam na ang sigalot sa South China Sea ay maituturing na isang napakahalagang isyu.

Kaugnay dito, iginiit ng Singaporean leader na ang international law o ang United Nations Convention of the Law of the Sea ang dapat na manaig at maging legal framework sa lahat ng aktibidad sa karagatan.

Sinabi naman ni Pangulong Marcos na bilang magkapitbahay na bansa sa ASEAN, kapwa mahalaga sa Pilipinas at Singapore ang West Philippine Sea.

Umaasa ang Chief Executive sa pagpapatibay ng commitment ng dalawang bansa sa pagpapanatili at pagtataguyod ng kapayapaan, seguridad, at kaayusan sa rehiyon.

About The Author