dzme1530.ph

Singapore, tiniyak ang suporta sa chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN sa 2026

Loading

Tiniyak ni Singaporean Prime Minister Lawrence Wong na susuportahan nito ang chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN sa susunod na taon.

Ginawa ni Wong ang pangako sa joint press conference kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang, bilang bahagi ng kanyang dalawang araw na official visit sa bansa.

Sinabi ng Prime Minister na magkapareho ang Pilipinas at Singapore na pinahahalagahan ang ASEAN centrality at unity.

Inaasahan din ni Wong na sa ilalim ng kanilang pamumuno ni Pangulong Marcos ay patuloy na lalakas at titibay ang relasyon ng dalawang bansa.

About The Author