dzme1530.ph

Singapore, makikipagtulungan sa Pilipinas sa pag-develop ng healthy rice varieties

Makikipagtulungan ang Singapore sa Pilipinas sa pag-develop ng healthy rice varieties o uri ng bigas na hindi gaanong makasasama sa kalusugan.

Sa kanyang mensahe matapos ang 3-day state visit sa bansa, inihayag ni Singaporean President Tharman Shanmugaratnam na kina-kailangan ang bigas na may mababang glycaemic index (GI) upang maagapan ang pagtaas ng kaso ng diabetes.

Mainam din umanong magkaroon ito ng mas mataas na protina upang tugunan ang malnutrisyon sa mga bata sa maraming developing countries.

Kaugnay dito, sinabi ng Singaporean leader na palalakasin ng Temasek Life Sciences Laboratory ng Singapore ang partnership sa International Rice Research Institute ng Pilipinas, sa pag-develop ng bagong rice varieties.

Handa rin umanong tumulong ang Singapore Agency for Science, Technology and Research upang tukuyin ang health benefits ng bagong rice varieties, habang nagpapatuloy naman ang Lee Foundation ng Singapore sa pag-suporta sa bagong henerasyon ng rice scientists. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author