dzme1530.ph

Sinasabing paggamit ng China ng mapaminsalang cyanide sa Bajo de Masinloc, iimbestigahan

Iimbestigahan ng gobyerno ang sinasabing paggamit ng cyanide ng China sa pangingisda sa Bajo de Masinloc.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, ipinabatid ni National Security Council Spokesman Assistant Director General Jonathan Malaya ang pagka-alarma sa sumbong ng mga mangingisdang Pinoy, na bukod sa pangingisda ay ginagamit din umano ng china ang cyanide upang sirain ang coral at marine enviromment sa lugar upang hindi na ito mapakinabangan ng mga Pilipino.

Kaugnay dito, inabisuhan na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na kumpletuhin ang documentation, mga ebidensya, affidavits, at post-mission report para maimbestigahan na ang alegasyon,

Kung ito umano ay mava-validate ay ia-akyat ito sa Dep’t of Justice o sa Office of the Solicitor General upang mapagtibay ang pina-planong isampang kaso ng environmental degradation.

Ang cyanide ay isang nakamamatay na kemikal na nakaa-apekto sa oxygen ng katawan.

About The Author