dzme1530.ph

Simbahan sa Negros Occidental nilapastangan ng isang Muslim

Pinagsisira ng isang lalaki ang mga Poon at kagamitan sa loob ng San Isidro Labrador Parish sa Binalbagan, Negros Occidental, umaga ng Miyerkoles, Abril 3.

Kinilala ang suspek na si Rolly Semira, 39 gulang at residente ng Barangay Teodoro.

Ayon sa Binalbagan Police, hinarabas umano ng suspek ang minamaneho nitong tricyle sa loob ng Simbahan habang ginaganap ang 6:30am na Misa.

Matapos nito ay sinimulan ng suspek na wasakin ang anim na Poon sa Simbahan, kabilang ang antigong imahen ni San Isidro Labrador na patron ng Parokya.

Hindi rin pinaligtas ng suspek ang Altar ng Simbahan kung saan ay nilapastangan nito ang mga ostiya na pinaniniwalaan ng mga Katoliko bilang Katawan ni Kristo.

Nagpakilala naman ang suspek na isang Muslim at si Allah umano ang nag-udyok sa kanya na gawin ang krimen, umamin din itong lulong sa ipinagbabawal na gamot.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Binalbagan Police ang suspek.

Mariin namang kinundena ng mga Muslim Leaders ang nangyari at sinabing miyembro nila si Semira.

Nagpahayag din nang pagkadismaya si Kabanlakan Bishop Louie Galbines na humingi ng panalangin para sa lungkot at sakit na nararamdaman ng mga Katoliko sa lugar.

Pansamantala munang isasara ang Simbahan para sa muling pagsasaayos ng mga nasira at reparation para nangyaring paglapastangan sa Panginoon.

About The Author