Tutol si Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe na muling palaiwigin o i-extend ang pagpaparehistro ng mga sim pagkatapos ng deadline nito sa July 25.
Ipinaliwanag ni Poe na wala nang maniniwala sa sinasabing resulta ng hindi pagpaparehistro ng mga sim kung patuloy lang itong ieextend.
Sa ilalim ng Sim Registration Act, ang mga hindi maipaparehistrong sim matapos ang deadline ay awtomatikong idedeactivate.
Samantala, sinabi ni Poe na ang pagtaas ng bilang ng mga cybercrime na naitala matapos ang pagsasabatas ng Sim Registration Act, ay resulta ng pagkakaroon ng linya para makapagreport ang ating mga kababayan tungkol sa mga krimen o scam gamit ang digital technology.
Nagkaroon na rin aniya ng guidelines ang mga otoridad para sa maayos na monitoring ng mga ganitong krimen.
Gayunman, dahil may mga umiiral nang batas ay hinikayat ni Poe ang mga otoridad na manghuli at magpanagot ng mga gumagawa ng ganitong klaseng krimen.
Ito ay para maipakita na gumagana ang batas at hindi na ito tularan pa ng iba. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News