Itinuro ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang siltation bilang pangunahing sanhi ng pagbaha sa Ilocos Norte sa kasagsagan ng bagyong “Julian”.
Sa situation briefing sa Laoag City, inihayag ng Pangulo na ang pagiging mababaw ng mga ilog ang pinag-ugatan ng mga pagbaha at pinsala sa kanyang home province, kabilang na ang nasirang Gabu Dike.
Aminado rin si Marcos na inaasahang matatagalan bago ito masolusyonan.
Kaugnay dito, maghahanap ang Pangulo ng malalaking kumpanyang makakatulong upang mahukay at mapalalim ang mga ilog kabilang ang San Miguel Corp., at posible ring mag-import ang bansa ng malalaking makinarya sa China o taiwan.
Sinabi naman ni DPWH Sec. Manny Bonoan na bibili sila ng karagdagang dredging equipment sa 2025, at lilinisin din ang mga debris na nakabara sa Sabo Dams na sumasalo sa tubig-ulan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News