dzme1530.ph

Sigalot sa Myanmar, tinalakay sa meeting nina PBBM at Malaysian PM

Natalakay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ang sitwasyon sa Myanmar sa kanilang bilateral meeting sa Malaysia.

Ayon kay Anwar, isinulong nila ang five-point consensus ng ASEAN kabilang ang pagtindig para sa pagwawakas ng karahasan, pakikipagdayalogo, pagkakaroon ng special envoy, pagbibigay ng humanitarian assistance, at pag-bisita ng ASEAN special envoy sa Myanmar upang makausap ang mga lahat ng panig.

Bukod dito, kanila ring pinahalagahan ang human rights at kapakanan ng Rohingyas at iba pang Burmese middle minorities.

Samantala, sinabi naman ni Marcos na kapwa nila kinikilala ng Malaysian leader ang kahalagahan ng ASEAN centrality sa paglutas sa mga isyu sa rehiyon.

Matatandaang sa pag-bisita ni Anwar sa Pilipinas noong Marso ay una na nilang isinulong ni Marcos ang pag-resolba ng sigalot sa Myanmar, at ang pakikipagtulungan nito sa ASEAN. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author