dzme1530.ph

Showbiz broadcaster Mario Dumaual, under critical care dahil sa heart attack

Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang seasoned showbiz broadcaster na si Mario Dumaual dahil sa heart attack.

Sa Facebook post ni Miguel Dumaual, anak ni Mario, inatake sa puso noong Lunes ang kanyang ama at tatlong araw nang under critical care hanggang sa kasalukuyan.

Ayon pa kay Mario, ito ang unang beses na na-confine ang broadcaster kaya labis ang bigat ng pangyayaring ito para sa kanilang pamilya.

Gayunman, humihingi ng dasal ang pamilya ni Mario para sa kanyang tuluy-tuloy at mabilis na recovery. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author