Nagbuga ng makapal na abo na umabot sa taas na 20km. ang Shiveluch Volcano na matatagpuan sa Eastern Kamchatka region sa Russia.
Lumubog sa abo ang mga sasakyan at gusali sa UST-Kamchatsky na may layong 90km. mula sa bulkan.
Batay sa Geophysical survey, nabalot ng makapal na abo ang may lawak na 400 by 250km. ng West at Southern portion ng bulkan.
Dahil dito, isinailalim na ng Volcanology and Seismology of the Far Eastern Branch ng Russia Academy of Science (RAS) sa pinakamataas na alerto ang lugar dahil sa tuloy-tuloy pang aktibidad ng bulkan. —sa panulat ni Jam Tarrayo