![]()
Hinikayat ng mga miyembro ng Sexbomb Girls ang kababaihan na maging confident at iwasan ang pagkukumpara sa kanilang sarili ngayong ipinagdiriwang ang Women’s Month.
Sinabi ni Aifha na nagsisimula ang confidence sa self-love at acceptance, kasabay ng pag-encourage sa young women na itrato ang kanilang sarili ng mabuti at ibasura ang narrow beauty standards.
Sinegundahan naman ito ni Mhyca, sa pagsasabing dapat matutunan ng mga babae na tanggapin ang kanilang sarili, kasama ang kanilang mga kapintasan, upang mas maging malaya at maging mas proud sa sarili.
Binigyang-diin naman ni Shane ang authenticity bilang foundation ng confidence, at huwag ipagpalit ang pagiging totoo para lamang matanggap ng iba.
