dzme1530.ph

SERVICE CONTRACTING PROGRAM, IPATUTUPAD SIMULA SA APRIL 15

Loading

Sisimulan na ng gobyerno ang service contracting program upang matulungan hindi lamang ang mga driver ng mga pampublikong sasakyan kundi maging ang mga pasahero.
 
Nakapaloob sa programa ang pagbabayad sa mga PUV drivers at operators ng mula 40 hanggang 100 pesos kada kilometro at pagbibigay ng 20 percent discount sa pamasahe.
 
Ipatutupad ng Department of Transportation ang programa simula sa April 15 at sasaklawin ang 50,000 PUVs; 1,000 operators at 15 million passengers sa buong bansa.
 
Gagawin ang service contracting program tuwing off-peak hours upang matiyak na may masasakyan pa rin ang mga pasahero kahit hindi na rush hour.
 
Lahat anya ng kasali ay may GPS monitoring para matiyak ang aktwal na biyahe at maayos ang serbisyo.

About The Author