dzme1530.ph

Serbisyo ng gobyerno at edukasyon, dapat accessible sa publiko!

Dapat accessible sa publiko ang serbisyo ng pamahalaan at edukasyon upang mapigilan ang paglaganap ng terorismo.

Ito ang inihayag ni Vice President at Department of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte sa Peace Village Exhibit sa Davao.

Ayon kay VP Sara, mas maliit ang tyansa ng mga terorista kapag ang mga komunidad ay may mataas o malawak na access sa edukasyon, economic opportunities, healthcare services, at iba pang government initiatives.

Naniniwala rin ang pangalawang pangulo na ang good governance ay susi sa kapayapaan, subalit hindi aniya madali ang pag-abot dito.

Paliwanag ni VP Sara, kailangang tahakin ng Pilipinas ang daan na binubuo ng kumpiyansa, tiwala, at partisipasyon ng mga komunidad upang matamo ang kapayapaan. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author