Asahan ang pag-ikot sa iba’t ibang panig ng bansa ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF).
Ito ang sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez matapos ang matagumpay na launching ng BPSF sa Bikolandia na sabayan ding inilunsad sa Laoag, Ilocos Norte, Tolosa, Leyte sa Visayas at sa Monkayo, Davao de Oro sa Mindanao.
Ang BPSF ay nilalayong ihatid ng gobyerno sa iba’t ibang panig ng bansa ang nasa 60-serbisyo ng pamahalaan.
Noong Sabado unang inilunsad ang serbisyo fair sa Camarines Sur kung saan hindi bababa sa 400,000 indibidwal ang nakinabang sa serbisyong dala ng caravan.
Bukod sa serbisyo, may inilaan ding P1-B pondo bilang ayuda sa mga nangangailangan.
Ang BPSF National Secretariat ay binubuo ng Office of the President, Office of the Speaker, Presidential Communications Office at ang House of Representatives. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News