dzme1530.ph

 ‘Sense of righteousness,’ kailangan laban sa korapsyon

Loading

Hindi karagdagang batas ang kailangan para labanan ang korapsyon sa pamahalaan, kundi ang pagpapanumbalik ng “sense of righteousness.”

Ayon kay Bacolod Lone District Rep. Albee Benitez, ang korapsyon ay isang “moral crisis” na nangangailangan ng pagbabalik ng moralidad sa mga opisyal ng gobyerno at maging sa pribadong sektor.

Ani Benitez, tila naging “normal” na sa bansa ang mga gawaing korap kaya’t kailangang simulan ang moral renewal sa tahanan, paaralan, simbahan, at pampublikong buhay.

Dagdag pa nito, ang malawakang korapsyon ay hindi lamang failure of system, kundi “failure of conscience.”

Binigyang-diin pa ni Benitez na dahil sa pag-normalize ng maling gawain, maging ang mga institusyong dapat nagtatanggol ng tama, gaya ng paaralan, simbahan, at hukuman, ay nawalan na rin ng kredibilidad.

About The Author