Inaresto ng mga tauhan ng PNP Aviation Security Group ang isang 62-anyos na lalaking pasahero pagdating nito sa NAIA Terminal 3 mula Abu Dhabi.
Ayon sa pulisya, naisagawa ang pag-aresto matapos ang koordinasyon ng Avsegroup sa Bureau of Immigration at Barbosa Police Station 14 ng Manila Police District (MPD).
Kinumpirma ng mga awtoridad na may aktibong warrant of arrest ang lalaki dahil sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (RA 9262).
Naglaan ang korte ng ₱72,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.