dzme1530.ph

Senior Citizen, bigong makaboto matapos tumaas ang presyon

Loading

Bigo ang isang senior citizen na makaboto sa Kapitbahayan Elementary School sa Navotas City matapos hindi payagan ng health officer dahil tumaas ang kanyang presyon.

Ayon kay Janine Nool, health officer sa Barangay NBBS Kaunlaran na naka-assign sa Clinic sa paaralan, ni-refer nila sa Navotas City Hospital si Maria Manuza, 62 years, matapos pumalo sa 180/90 ang kanyang blood pressure.

Nakaramdam umano ng pagkahilo si Manuza kaya dinala sa clinic upang masuri.

Kaya naman pinapayuhan ang mga mayroong existing health condition na pakiramdaman muna ang kanilang sarili bago magtungo sa polling centers.

Samantala, maayos pa rin naman ang botohan sa paaralan, bagaman mahaba pa rin ang pila, dahil pinagsama sa isang silid aralan ang isa hanggang limang clustered precincts.

Wala ring naitalang major problem sa automated counting machines, dahil ayon sa principal ng paaralan na si Dra. Floretta Quijano ay kaninang pang alas kwatro ng umaga nila binuksan upang maikondisyon ang mga makina.

Mayroong labing anim na ACMs sa Kapitbahayan Elementary School at apat na technical support staff.

About The Author