dzme1530.ph

Senators Ronald dela Rosa at Francis Tolentino, dapat mag-inhibit sa impeachment trial ni VP Sara, ayon sa isang constitution framer

Loading

Dapat mag-inhibit sina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Francis Tolentino bilang Senator-judges matapos nilang hilingin na i-dismiss ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Pahayag ito ng isa sa mga may-akda ng 1987 Constitution na si Atty. Christian Monsod, kasunod ng mga binitawang statements ng dalawang mambabatas.

Paliwanag ni Monsod, ang source ng legitimacy ay independence, at kung walang kakayahan sina dela Rosa at Tolentino na mag-isip ng malaya, ay mas makabubuting mag-withdraw nalang sila.

Una nang nanawagan si dela Rosa na ibasura ang impeachment complaint kahit wala pang trial habang sinabi naman ni Tolentino na ikinu-konsiderang “functionally dismissed” ang trial kapag lumagpas ito sa June 30.

About The Author