dzme1530.ph

Senate Sgt-at-Arms, handang magdagdag ng seguridad para kay Alice Guo

Handa ang Senate Sgt-at-Arms na magdagdag ng tauhan kung kinakailangan sa sandaling mailipat na sa kanilang kustodiya si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Senate Sgt-at-Arms Ret. Gen. Roberto Ancan, sa ngayon ay wala silang nakukuhang banta sa seguridad ng sinibak na alkalde.

Tiniyak naman ni Ancan na sa ngayon ay may sapat silang tauhan bukod pa sa tulong ng Philippine National Police at kanilang security guards.

Kasabay nito, inihayag ni Ancan na batay sa instructions ni Senate President Francis Escudero ay papayagang gumamit ng cellphone ang kanilang mga detainee.

Sinabi pa ni Ancan na sandaling ma-turnover sa kanila si Alice Guo saka nila ise-serve ang warrant of arrest sa kanya. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author