dzme1530.ph

Senate Sgt-At-Arms, binigyan ng mas malawak na responsibilidad

Nagkaisa ang mga senador sa hakbangin na bigyan ng authorization ang Office of the Senate Sgt at Arms (OSAA) upang protektahan ang mga senador sa loob at labas ng Senate Building.

Sinabi ni Senate President Francis Escudero na ang kanilang desisyon ay kasunod ng banta sa buhay ng ilan nilang kasamahan dahil sa imbestigasyon sa kaso ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Nilinaw ni Escudero na wala itong kinalaman sa pagkakatanggal ng police security kina Sen. Ronald dela Rosa at Sen. Christopher Go.

Sinabi ng senate leader na inamyendahan nila ang rules ng Senado upang tukuyin na hindi lamang ang institusyon, gusali at mga kawani ang bibigyang proteksyon ng OSAA kundi maging ang mga senador.

Binigyan din ng awtoridad ang OSAA na magsilbi ng mga warrant of arrest at subpoena nang hindi na dumaraan pa sa Pulisya.

Matatandaang nooong July 4, inireport ni Sen. Sherwin Gatchalian sa Pasay Police ang sinasabing banta sa kanyang buhay dahil sa aktibo niyang imbestigasyon sa mga POGO at kay Mayor Guo.

Nilinaw naman ni Escudero na bibigyan din ng limit ang itatalagang tauhan ng OSAA sa bawat senador.

About The Author