dzme1530.ph

Senate Sergeant-at-Arms, nakikipag-ugnayan na sa NBI para sa kustodiya kay Alice Guo

Nakikipag-ugnayan na si Senate Sergeant at Arms Ret. General Roberto Ancan sa National Bureau of Investigation kaugnay sa inaasahang pag-uwi sa bansa kay dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na naaresto sa Jakarta, Indonesia.

Ito ang binigyang-diin ni Senate President Francis Escudero kasunod ng impormasyon na natanggap nila mula sa NBI.

Sinabi ni Escudero, daraan si Alice Guo sa kahalintulad na proseso na dinaanan nina Shiela Guo at Cassandra Li Ong matapos na maaresto din kamakailan sa Indonesia.

Kasama sina Ancan sa sasalubong sa dating alkalde pagdating sa airport pagkatapos ay ibibigay muna ito sa custody ng Bureau of Immigration saka ililipat sa kustodiya ng NBI para isailalim sa inquest proceedings saka ipapasa sa Senado.

Pinuri ni Escudero ang pagkakaaresto kay Alice Guo sa Indonesia upang mapapanagot na sa kanyang mga kasalanan sa operasyon ng mga POGO.

Pinasalamatan at binati ni Escudero ang law enforcement agencies ng bansa at Indonesia dahil sa matagumpay na pag aresto sa dating alkalde. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author