![]()
INALMAHAN ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang pagtawag ng tagapagsalita ng Chinese Embassy sa resolusyong inaprubahan ng Senado na hypocritical, ignorant, at political stunt.
Ayon kay Sotto, mistulang nais patahimikin ng Chinese Embassy spokesperson ang Senado sa pamamagitan ng pag-atake sa kredibilidad ng institusyon at pagtawag sa mga senador bilang ipokrito at mangmang
Tinuligsa rin ng Senate leader ang paratang na ini-intimidate ng Senado ang mga Chinese diplomat, habang patuloy namang gumagamit ng hindi magalang na pananalita laban sa lehislatura ng Pilipinas.
Binigyang-diin ni Sotto na kung usapin ng diplomasya ang pag-uusapan, hindi rin aniya malinaw na nauunawaan ng Chinese Embassy spokesperson ang wastong proseso at asal sa ugnayang panlabas.
Iginiit ni Sotto ang kahalagahan ng mutual respect sa ugnayang diplomatiko.
