![]()
Inilatag ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang posibleng sistemang kanilang ipatutupad sa sandaling may maitransmit na impeachment complaint sa kanila.
Sinabi ni Sotto na naghahanda na rin ang Senado para sa posibilidad ng impeachment proceedings.
Maaari anya silang mag-adopt ng dual-track schedule upang magpatuloy pa rin ang kanilang legislative sessions sa gitna ng impeachment trials.
Posible anyang mula 9am hanggang 1pm, magsasagawa sila ng sesyon habang mula 3pm ang impeachment trial.
Muling tiniyak ni Sotto na agad nilang aaksyunan ang anumang impeachment complaint na iaakyat sa kanilang hanay.
