dzme1530.ph

Senate majority bloc, pag-uusapan pa ang ipapalit na chairman ng Senate Blue Ribbon Committee

Loading

Tatalakayin pa ng majority bloc ng Senado kung sino ang itatalagang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ito ang kinumpirma ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III matapos magbitiw si Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson bilang chairman ng naturang komite.

Aminado si Sotto na nalulungkot siya sa pagbibitiw ni Lacson dahil maganda ang paghawak nito sa imbestigasyon sa flood control anomalies.

Sa kabila ng pagbibitiw bilang chairman ng komite, tiniyak ni Lacson na magpapatuloy ang kanyang adbokasiya laban sa katiwalian.

Iginiit ni Lacson na kahit gaano katindi ang mga batikos laban sa kanya na ibinatay sa maling impormasyon ng mga netizen at partisan sectors, hindi ito makakadiskaril o makakapigil sa kanya na gawin kung ano ang tama.

Subalit, kapag aniya ang mga sarili niyang kasamahan na sa Senado ang naghahayag ng sentimyento laban sa kanya, makabubuti nang bakantehin o bitiwan na niya ang pagiging chairman ng Blue Ribbon Committee.

About The Author