dzme1530.ph

Senate legal team, inatasang pag-aralan ang paggiit ng executive privilege sa hindi pagdalo sa Senado ng mga opisyal ng gobyerno sa pagdinig sa pag-aresto kay FPRRD

Loading

Inatasan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang kanilang legal team na pag-aralan ang pag-iinvoke ng “executive privilege” ni Exec. Sec. Lucas Bersamin Jr. upang hindi dumalo ang mga miyembro ng gabinete sa ikalawang pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations kaugnay sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinumpirma rin ni Escudero na nilagdaan na niya ang subpoena para kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon at Lt. Gen. Arthur Cordura ng Philippine Air Force subalit sa halip na ipalabas ito ay ipinasa niya ito sa Legal Team upang pag-aralan muna.

Sinabi ni Escudero na sa gitna ng mga kaguluhan sa pulitika ay ayaw na niyang makadagdag pa ng constitutional crisis sa pamamagitan sa pag-iisyu ng subpoena sa gitna naman ng paggigiit ng executive privilege.

Hihintayin anya niya ang rekomendasyon ng Legal Team kung kinakailangan nilang muling iakyat ang usapin sa Korte Suprema.

Subalit sa mga nauna na aniyang desisyon ng Korte Suprema ay binigyang-diin na kapangyarihan ng executive privilege.

Kabuuang tatlong sulat na ang naipadala ni Bersamin sa Senado kaugnay sa pagdinig ng Senado sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Duterte.

About The Author