Senate impeachment court, nanindigang mayroon din silang limitasyon

dzme1530.ph

Senate impeachment court, nanindigang mayroon din silang limitasyon

Loading

Nilinaw ni Impeachment Court spokesman Atty. Reginald Tongol na aminado si Senate President Francis Escudero na mayroong limitasyon ang korte pagdating sa mga hakbang na dapat gawin sa impeachment trial.

Ito ay makaraang maglabas ng pahayag si Senate Minority Leader Koko Pimentel na nagdiriin na mayroong mga limitasyon na dapat sundin ang korte lalo na’t nanumpa sila bilang senator-judges.

Ipinaliwanag naman ni Tongol na hindi general ang sinabi ni Escudero na walang limitasyon ang impeachment court sa mga gagawin at sa kanilang mga desisyon.

Sinabi ni Tongol na ang pinatutungkulan ni Escudero na walang limitasyon ay ang interpretasyon ng impeachment court sa mga bagay na hindi detalyado o hindi malinaw na nakasaad sa ating Konstitusyon.

Tinukoy ni Tongol ang tungkol sa pagbabalik ng verified impeachment complaint sa Kamara na malabo at hindi klaro sa Konstitusyon pero ini-interpret ng impeachment court base sa kanilang kapangyarihan na sila ang nag-iisang maaaring duminig at magpasya sa impeachment cases na salig na rin sa Supreme Court decision na Manila Prince Hotel versus GSIS.

About The Author