dzme1530.ph

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE, WALA PANG INILALABAS NA PARTIAL REPORT KAUGNAY SA IMBESTIGASYON SA FLOOD CONTROL MESS

Loading

NILINAW ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na wala pang partial committee report  na inilalabas ang Senate Blue Ribbon kaugnay sa pagsisiyasat sa anomalya sa flood control projects.

 

Ginawa ni Lacson ang paglilinaw matapos na magleak ang kopya ng draft partial committee report.

 

Kinumpirma rin ni Lacson na may mga senador na bumawi ng pirma sa sinasabing draft dahil hindi ito final partial report. 

 

Binigyan-diin ni Lacson na tatalakayin pa ng kumite ngayong araw na ito ang magiging laman ng partial committee report.

 

Naaayon anya ito sa kanilang rules of procedures pagdating sa  pag-iimbestiga sa isang isyu in aid of legislation 

 

Alas-dos mamayang hapon magpupulong ang mga senador upang talakayin ang partial report.

 

Sinabi naman ni Senate President Vicente Tito Sotto III na hindi pa maituturing na committee report ang naleak na draft report dahil patuloy pang isinasapinal ng mga miyembro ang mga rekomendasyon.

 

Iginiit ni Sotto na masyado lamang excited ang nagleak ng report lalo na’t wala pa rin namang nakalagda rito.

About The Author