Sa nalalapit na pagbubukas ng bagong school year, nanawagan si Senate Committee on Basic Education Chairman Sherwin Gatchalian sa gobyerno at sa mga paaralan na tiyaking nakalatag ang mga hakbangin upang maiwasan ang mga kaso ng bullying.
Iginiit ng senador na dapat gumawa ng mga aksyon upang hindi manatiling bullying capital of the world ang Pilipinas.
Partikular niyang hinimok ang Department of Education na tiyaking naipatutupad sa lahat ng paaralan ang kanilang mga bagong polisiya laban sa bullying.
Muli rin niyang iginiit ang pagpapatupad ng kanyang mga rekomendasyon upang mapigilan ang bullying.
Binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangan ng full rollout ng GMRC at Values Education, pagdaragdagan ng mga guidance designates, at full implementation ng Education Mental Health and Well-Being Promotion Act.