dzme1530.ph

SENADOR ESTRADA, NAGTUNGO SA DOJ PARA SA IMBESTIGASYON SA FLOOD CONTROL SCANDAL

Loading

Dumalo si Senador Jinggoy Estrada sa preliminary investigation sa plunder complaint na isinampa laban sa kanya at sa iba pang indibidwal sa Department of Justice, kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects.

 

Ayon kay Atty. Bianca Soriano, abogado at spokesperson ni Estrada, naghain ang senador ng counter-affidavit para sa mga kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, plunder, at indirect at direct bribery.

 

Sinabi ni Soriano na sinagot din ng kanilang kampo ang umano’y inconsistencies sa statements ng state witnesses na sina Henry Alcantara at Roberto Bernardo.

 

Una nang naglabas ang korte sa Maynila ng precautionary hold departure order laban kay Estrada at sa kapwa nito respondents, sa pagsasabing may probable cause na umalis ng bansa ang mga ito para maiwasan ang pag-aresto at paglilitis sa kanila.

About The Author