dzme1530.ph

Senado, tumugon na sa petisyon ni VP Duterte na ipahinto ang impeachment trial laban sa kanya

Loading

Isinumite na ng Senado sa Korte Suprema ang kanilang tugon sa petisyong inihain ni Vice President Sara Duterte na humihiling sa Korte Suprema na ipahinto ang nakatakdang impeachment trial.

Subalit sa kanilang “Manifestation Ad Cautelam” na inihain ng legal counsel ng Senado na si Maria Valentina Cruz, sinabing hindi sila magkokomento sa petisyon.

Sa tatlong pahinang manifestation, ipinaliwanag na walang nakapaloob na alegasyon ang Bise Presidente laban sa Senado.

Hindi nagkomento ang Senado sa petisyon dahil sila ang magsisilbing impeachment judges ng impeachment court.

Tinukoy din dito na ang Senado ay may solong kapangyarihan para magdesisyon sa impeachment cases salig na rin sa mandato nito sa ilalim ng 1987 Constitution.

Binigyan din ng kopya ng manifestation ang Fortun Narvasa & Salazar law office na counsel ni Duterte, si House Speaker Martin Romualdez, House Secretary General Reginald Velasco at ang Office of the Solicitor General.

About The Author