dzme1530.ph

Senado, todo na ang paghahanda sa pagbabalik ng sesyon sa Hunyo

Loading

Todo na ang paghahanda ng Senado para sa muling pagbubukas ng Kongreso sa June 2.

Mismong si Senate President Francis “Chiz” Escudero ang nangunguna sa pagtiyak na all systems go sila sa pagbabalik ng sesyon.

Binisita ni Escudero ang lahat ng opisina sa loob ng Senado upang makaugnayan ang mga empleyado at alamin ang kanilang kalagayan at mga pangangailangan.

Sinabi ng senate leader na wala nang isang buwan ay magbubukas na ang sesyon kaya dapat gawin ang lahat ng paghahanda upang matiyak na maayos at preparado ang bawat opisina para sa mas masigasig na pagseserbisyo.

Inaasahang isang araw matapos ang pagbabalik ng sesyon ay iko-convene naman ang Senado bilang impeachment court upang dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte.

About The Author