dzme1530.ph

Senado, nangakong maghahanap ng pondo para sa restoration ng Manila Central Post Office

Kinumpirma ni Senate Finance Committee Chairman Sonny Angara na makikipagtulungan sila sa Department of Budget and Management upang mahanapan ng pondo ang restoration ng nasunog na Manila Central Post Office.

Sinabi ni Angara na nagkausap na sila ni Senate President Juan Miguel Zubiri upang gumawa ng mga hakbangin upang makatiyak na mapaglalaanan ng pondo ang pagsasaayos ng gusali na itinuturing na national treasure na likha ng national artist na si Juan Arellano.

Nagpahayag din naman ng kalungkutan si Senador JV Ejercito sa insidente ng pagkasunod ng gusali.

Iginiit ni Ejercito na iilan na lamang ang historical artifacts ng bansa subalit nabawasan pa ito.

Binigyang-diin ng mga senador na kailangang matiyak na maiimbestigahang maigi ang insidente at makabuo ng mga hakbangin para protektahan ang iba pang architectural heritage. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author