dzme1530.ph

Senado, nagtalaga ng tagapagsalita para sa impeachment court

Loading

Nagtalaga ang Senado ng tagapagsalita para sa impeachment court sa katauhan ni Atty. Reginald Tongol.

Ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, ito ay para sa kanilang commitment sa pagiging transparent, accountable at paniniguro na maipapaalam sa publiko ang lahat ng impormasyon kaugnay sa impeachment proceedings.

Ang appointment kay Tongol ay epektibo immediately at mananatili siyang tagapagsalita hanggang mag-convene ang 20th Congress.

Sinabi ni Escudero na mahalaga ang papel ni Tongol upang matiyak na mailalabas sa publiko ang tama, responsable at napapanahong mga impormasyon.

Bitbit ni Tongol sa kanyang tungkulin ang kanyang expertise sa media law, data privacy, at government policy.

Sinabi ni Escudero na dahil sa legal expertise ni Tongol ay siya ay ideal spokesperson para sa impeachment court.

About The Author