Sa gitna ng kumpirmasyon ni Sen. Imee Marcos na may matinding ‘outside pressure’ para sa pagpapalit ng liderato ng Senado, nilagdaan ng 14 sa 24 na senador ang isang statement na nagpapakita ng kanilang pagsuporta kay Senate President Juan Miguel Migz Zubiri.
Kabilang sa mga pumirma ay sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Majority Leader Joel Villanueva, Senators Sherwin Gatchalian, Sonny Angara, JV Ejercito, Grace Poe, at Nancy Binay.
Kasama rin sina Senators Lito Lapid, Raffy Tulfo, Mark Villar, Ronald “Bato” dela Rosa, Francis Tolentino at Christopher “Bong” Go habang lumagda rin mismo si Zubiri.
Nakasaad sa pahayag ang papuri kay Zubiri sa kanyang pagpapanatili ng dignidad at independence ng Senado bilang bahagi ng demokrasya ng bansa.
Binigyang-diin pa sa pahayag na ang Senado sa kasalukuyan ay ang maituturing na pinakasolido sa kasaysayan dahil sa consensus-building at consultative leadership na ipinatutupad ni Zubiri.
Napatunayan anila ito sa pagharap ni Zubiri sa kontrobersyal sa People’s Initiative na tinutulan ng Senado.
Kabilang naman sa mga hindi lumagda sa statement of support ay sina Senators Jinggoy Estrada, Ramon “Bong” Revilla Jr., Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Francis Escudero, Imee Marcos, Robin Padilla at Cynthia Villar.