Senado, naglabas ng bagong Viber channel upang labanan ang fake news

dzme1530.ph

Senado, naglabas ng bagong Viber channel upang labanan ang fake news

Loading

Kinumpirma ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na gagamitin nila ang kanilang official Viber channel upang mabilis na mapalaganap sa publiko ang mga aktibidad ng Senado.

Bukod dito,  magsisilbi rin aniya itong paraan upang labanan ang pagkalat ng fake news at misinformation sa social media.

Iginiit ni Escudero na maituturing na salot na mabilis na kumalat ang misinformation kaya dapat itong labanan.

Dapat aniyang may armas din ang taumbayan sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng verified facts upang mas maging responsable sa pagpili ng mga panininiwalaang impormasyon sa social media sa pamamagitan ng readily accessible sources tulad ng viber channel ng Senado.

Sinabi ni Escudero na makikita sa kanilang website at social media accounts ang QR code para sa kanilang viber channel na kapapalooban ng photo releases, press statements ng Senado at mga senador, schedules ng committee hearings at updates sa plenary session.

About The Author