dzme1530.ph

Senado, naghahanda na ng sagot sa writ of amparo petition ni Engr. Hernandez

Loading

Inihahanda na ng legal team ng Senado ang kanilang isusumiteng sagot sa Pasay City Regional Trial Court kaugnay sa petition for writ of amparo na inihain ni Engr. Brice Hernandez, na humihiling na ibalik ito sa PNP Custodial Center.

Ayon sa tanggapan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, target ng legal team na maisumite ang kanilang reply bago mag-alas-4 ng hapon.

Kasunod ito ng atas ng korte sa Senado na magkomento sa petisyon ni Hernandez.

Matatandaang pinagdebatehan sa plenaryo ng Senado ang kustodiya kay Hernandez makaraang umalma ang minority bloc sa naging desisyon ni Sotto na idiretso ito sa custodial center sa Kampo Crame matapos ang pagdinig sa Kamara noong Martes.

Matapos ang mahabang diskusyon, nagkasundo ang mga senador na ipag-utos ang paglilipat kay Hernandez sa Pasay City Jail.

Nilinaw naman na kahit nasa Pasay City Jail, nananatiling ang Senate Sergeant-at-Arms pa rin ang may superbisyon kay Hernandez.

About The Author