dzme1530.ph

Senado, magsasagawa ng ocular inspection sa Chocolate Hills sa Bohol

Pinaplano ng Senador na magsagawa ng ocular inspection sa Captain’s Peak Garden and Resort o nag-viral na istruktura dahil nakatayo sa gitna ng Chocolate Hills sa Bohol.

Pangungunahan nina Senate Committee on Environment chairperson Cynthia Villar at Senate Committee on Tourism chairperson Nancy Binay ang isasagawang ocular inspection.

Sinabi ni Binay na nangako na si Villar na magsasagawa ng senate hearing ang kumite tungkol sa isyu,

Iminungkahi rin ng senadora na gibain na ang naturang resort dahil nakakasira lang aniya ito sa ganda ng Chocolate Hills.

Naniniwala ang mambabatas na nangyari ang pagpapahintulot na magtayo ng mga istruktura sa gitna ng chocolate hills dahil sa kakulangan ng information dissemination tungkol sa kahalagahan na maipreserba ang ito.

Kaya naman isinusulong rin ni binay na maipaalam, hindi lang sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan, kundi lalo na sa mga residente ng bohol ang tungkol sa kahalagahan na protektahan ang naturang lugar.

About The Author