Lilitaw na hindi iginagalang ng Senado ang immediately executory na ruling ng Korte Suprema sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte kung tutugunan ang panawagan na hintayin muna ang final ruling ng Supreme Court sa motion for reconsideration.
Ito’y kaugnay ng nakatakdang pagtalakay ng Senado sa ruling ng Supreme Court na nagdedeklarang unconstitutional ang impeachment complaint laban sa Pangalawang Pangulo.
Giit ni Marcos, hindi maaaring mamili ang Senado o ang impeachment court kung aling bahagi ng desisyon ng Korte Suprema ang kanilang susundin. Aniya, malinaw na nakasaad sa desisyon ng mga mahistrado na ito ay “immediately executory.”
Dagdag pa ng senadora, kung hihintayin pa ang resulta ng MR, maaaring magbigay-daan ito sa posibleng TRO (temporary restraining order) o status quo ante order mula sa Korte Suprema, bagay na hindi raw layunin ng korte.
Naniniwala rin si Marcos na bihira lamang bawiin o baguhin ng Korte Suprema ang sarili nitong unanimous decision, kaya’t dapat itong sundin agad.