dzme1530.ph

Senado, huhusgahan ng kasaysayan sa pag-archive ng impeachment case laban kay VP Sara –Hontiveros

Loading

Patay na ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte matapos itong i-archive ng Senado.

Pero ayon kay Sen. Risa Hontiveros, huhusgahan ng kasaysayan ang naging desisyon ng Mataas na Kapulungan.

Giit ni Hontiveros, hindi pa pinal ang ruling ng Korte Suprema sa isyu kaya’t hindi dapat pinatay agad ang reklamo. Iginiit ng senadora may mga kaso nang binawi o binaligtad ng Korte ang sarili nitong pasya, batay sa mga motions for reconsideration.

Taliwas ito sa naging pahayag ni Senador Rodante Marcoleta na malabo nang mabago ang unanimous decision ng Korte Suprema.

Umaasa si Hontiveros na babaligtarin pa ng Supreme Court ang desisyon dahil aniya, maraming factual errors sa ruling, at may idinagdag pang requirements sa impeachment process.

Samantala, ayon naman kay Sen. Alan Peter Cayetano, bagamat patay na ang reklamo ngayon, posible itong buhayin kung sakaling baguhin ng Korte Suprema ang desisyon nito.

About The Author