Hinikayat ni dating Sen. Panfilo Lacson si Senate President Francis Escudero na gumawa ng hakbang o paraan upang maibaba ang tensyon sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Lacson na nakikita niyang malaki ang pagasa kung ang Senado sa pamamagitan ng Senate leader ang mamagitan upang mabawasan ang tensyon.
Malabo aniyang ang mga kongresista ang mamagitan dahil mainit na rin ang Kamara kay VP Sara.
Maging ang mga mamamahayag ay hinikayat din ni Lacson na wag nang pagsabungin pa ang dalawang lider dahil ang kawawa dito ay ang taumbayan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News