dzme1530.ph

Senado, hindi dapat magpanggap na may urgent legislation para magtawag ng special session

Loading

Hindi tama para kay Senate President Francis Escudero na magkunwaring may urgent legislation upang magrequest ng special session subalit ang tunay na pakay ay ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa gitna ito ng pagmamatigas ni Escudero na wala siyang planong hilingin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatawag ng special session upang maconvene na ang impeachment court.

Kasunod ito ng pahayag ni Presidential Communications Office Usec. Claire Castro na hindi dapat kusang magpatawag ang Pangulo ng special session dahil posibleng maintriga pang siya ang nasa likod ng impeachment.

Inulit ni Castro ang posisyon ni PBBM na ang Senado ang dapat humiling ng special session.

Una nang sinabi ni Escudero na posibleng sa pagbabalik pa ng sesyon sa Hunyo mairefer ang articles of impeachment dahil kinakailangang nasa sesyon bago maiconvene ang impeachment court.

About The Author