dzme1530.ph

Senado, handang sumagot sa petisyon laban sa Maharlika Investment Fund Act

Sasagutin ng Senado ang mga katanungan at mga isyung bumabalot sa Maharlika Investment Fund (MIF) Act.

Tiniyak ito ni Senate President Juan Miguel Zubiri kasunod ng kautusan ng Korte Suprema na sagutin ng sangay ng ehekutibo at lehislatura ang petisyong nagpapadeklara sa MIF bilang unconstitutional.

Sinabi ni Zubiri na welcome sa kanila ang utos ng Supreme Court na maghain ng komento sa petisyon dahil bahagi naman ito ng judicial process.

Aniya, inatasan na niya ang Senate Secretary na makipag-ugnayan sa Office of the Solicitor General kaugnay sa paghahanda at paghahain ng komento.

Nakahanda rin anya ang Senado na tanggapin ang anumang kalalabasan o magiging desisyon dito ng kataas-taasanag hukuman.

Nanindigan naman si Zubiri na sumailalim ang Maharlika Investment Fund Act sa tamang legislative process at kumpyansang malalagpasan ng batas ang anumang pagbusisi ng hukuman at idedeklara itong constitutional. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author