dzme1530.ph

Senado, dapat tutukan din ang pagkain, kalusugan, edukasyon at trabaho

Loading

Nanawagan si Sen. Erwin Tulfo sa kanyang mga kasamahan na huwag kalimutan ang suliranin sa pagkain, kalusugan, edukasyon, at trabaho habang mainit ang usapin sa flood control corruption at budget hearings.

Ayon kay Tulfo, hindi dapat mawala ang atensyon ng mga mambabatas kung paano maresolba ang problema sa mataas na presyo ng bilihin at pagpapagamot, kakulangan sa edukasyon, at kawalan ng hanapbuhay.

Naniniwala ang senador na dahil nagsisimula na ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure, DOJ, at NBI sa mga anomalya sa flood control projects, mas makabubuting bigyang-pokus ng Senado ang iba pang isyu.

Giit ni Tulfo, ito rin ang hiling ng taumbayan noong nakaraang halalan, na mabigyan ng solusyon ang mga problemang direktang nararanasan ng ordinaryong Pilipino.

About The Author