dzme1530.ph

Senado, bigo sa target na imbitahan sa pagdinig ang ICC prosecutors

Malabo nang maimbitahan ng Senate Committee on Justice and Human Rights ang mga prosecutor ng International Criminal Court (ICC) sa pagdinig kaugnay sa resolution na dumidipensa kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa inilunsad na war on drugs.

Ayon kay Senador Francis Tolentino, chairman ng kumite, ipinagpaliban nila ang dapat sanang pagdinig kahapon ng hapon makaraang sumulat sa kanila ang Department of Foreign Affairs (DFA) at iginiit na hindi nila maaaring tulungan ang Senado sa pag-imbita sa ICC prosecutors.

Sa liham ng DFA, ipinaliwanag na nirerespeto nila ang posisyon ng Malakanyang na hindi na makikipag-engage o makikipag-ugnayan sa ICC dahil kumalas na ang bansa sa organisasyon.

Una nang sinabi ni Tolentino na target nilang imbitahan sa gagawin nilang pagdinig ang ICC prosecutors upang alamin ang tunay na pakay sa iginigiit na imbestigasyon.

Oportunidad din sana ito upang ipaalam sa ICC ang panig ng gobyerno kaugnay sa ipinatupad na war on drugs ng nakalipas na administrasyon. —sa ulat ni Dang Garcia

About The Author