dzme1530.ph

Senado at Kamara, nagkasundong pananatilihing bukas ang linya ng komunikasyon sa isa’t isa

Nagkasundo ang dalawang lider ng Kongreso na pananatilihing bukas ang kanilang linya ng komunikasyon sa isa’t isa upang maiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan.

Kinumpirma ito ni Senate President Francis “Chiz” Escudero matapos ang pakikipagpulong kay House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi ni Escudero na mahalagang magkaroon ng collaborative legislative environment para sa maayos na pagpapasa ng mga panukala na mapakikinabangan ng taumbayan.

Nangako rin ang liderato ng dalawang kapulungan para sa approval ng mga natitira pang priority bills ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Idinagdag pa ng senate leader na naging pokus din ng pulong ang pagbibigay solusyon sa mga gap ng dalawang kapulungan at pagbuo ng mas bukas at transparent na proseso na nakasentro sa pagsusulong ng interes ng bansa

Binigyang-diin din anya nila sa pulong ang pagtiyak na magkakaroon ng checks and balances para sa accountability, transparency, at effective governance kung saan papayagan ang makabuluhang debate sa pagbuo ng mga batas.

Umaasa naman si Escudero sa panibagong pakikipagpulong kay Romualdez para naman sa paghahanda sa State of the Nation Address.

Ang una anya nilang pulong ay simula ng mas malakas na pagtutulungan ng dalawang kapulungan para mas maging epektibo ang pagbalangkas ng bawat batas.

About The Author