dzme1530.ph

Senado at Kamara, nagkasundo sa bagong petsa ng bicameral conference

Loading

Kinumpirma na rin ng House Committee on Appropriations ang rescheduling o pagbabago sa petsa ng bicam para sa proposed 2026 national budget.

Ayon kay Appropriations panel chairperson at Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing, nagkasundo ang Senado at Kamara na sa Sabado, Dec. 13, na simulan ang bicam, taliwas sa naunang schedule na bukas ng alas-diyes ng umaga.

Ang pagbabago ay para mabigyan ng sapat na panahon ang technical staff na makapaghanda, dahil ito ang unang pagkakataon na ila-livestream ang bicam.

Ayon kay Suansing, kailangan gumawa ng matrix para sa disagreeing provisions na mangyayaring deliberasyon.

Ito na ang ikalawang rescheduling ng bicam na unang itinakda ngayong Huwebes, subalit inilipat sa Biyernes, at ngayong hapon naman ay iniurong muli sa Sabado.

About The Author